Jose
Corazon de Jesus
Pangalan:
Jose Corazon de Jesus
Palayaw: Pepito
Kapanganakan: Nobyembre
22, 1894
Lugar ng Kapanganakan: Daang Purok, Sta. Cruz, Manila
Mga Magulang: Dr. Vicente de Jesus and Susana Pangilinan
Mga Kapatid:
Vicente Jr, and Rosa
Asawa: Asuncion Lakdan
Mga anak: Teresa,
Jose, Rogelio
Kamatayan: Mayo 26, 1932
Si Jose Corazon de Jesus, na pinalayawan ng Pepito, ay isinilang sa isang bahay
sa Daang Trinidad, purok ng Sta. Cruz, Maynila, noong ika-22 ng Nobyembre, 1894.
Siya ay ang ikalawang anak ni Dr. Vicente de Jesus, ng Sta. Maria, Bulakan, at
unang direktor na Pilipino ng Kawanihan ng Kalinisan, at ng Kapampangang si Gng.
Susana Pangilinan. Ang kanyang dalawang kapatid ay sina Vicente,Jr., na siyang
panganay, at si Rosa, ang bunso. Sa tatlong magkakapatid, si Pepito, Pitong sa
kanyang ama't ina, ang pinakamalapit sa kanyang ina. Ang dahilan nito ay noong
bata pa si Pepito ay masasakitin ito at galisin pa, kaya madalas siyang inaalagaan
ng kanyang nanay.
Bata pa lamang si Pepito ay namulat na siya sa mga tulang
tagalog, awit at korido, sa "Florante at Laura", "San Raymundo",
at iba pang aklat na tagalog na lubhang babasahin noong araw. Masasabing dito
nagsimula ang pagtangkilik at pagkabihasa ni Pepito sa tulang tagalog. Mahilig
rin siya sa pag-awit, pagtugtog ng piyano, at ng iba't ibang larong pampalakas.
Sa
bayan ng kanyang ama siya nag-aral ng unang baitang. Maligaya ang kabataan ni
Pepito rito at ito marahil ang nagtulak sa kanya upang sabihin na dito siya inuluwal.
Nang makatapos siya ng primarya ay inilipat siya sa Liceo de Manila, isa sa mga
pinakasikat na paaralan sa Maynila noon, upang mag-hiaskul. Nang siya'y nakapagtapos
ay nag-aral naman siya ng abosya sa Escuela de Derecho. Nang magtapos siya ng
batas noong 1919 ay hindi siya kumuha ng iksamen upang maging tunay na abogado.
Sa halip ay ipinagpatuloy ang kanyang matagal ng hilig, ang pagtula.
Noong Oktubre ng 1918 ay itinanan ni Jose Corazon ang binibining si Asuncion Lakdan.
Sa kanilang pagsasama ay nagkaroon sila ng tatlong anak. Ang mga ito ay sina Teresa,
Jose at Rogelio.
Si Jose Corazon ay hindi lamang makata at manunulat kundi isa rin namang mamamahayag.
Naging manunulat siya sa mga pahayagang "Demokrasya", "Pagkakaisa",
"Taliba", "Mabuhay", at "Sampagita". Pero higit
siyang kilala sa larangan ng "Balagtasan" at pagbigkas. Hanggang ngayon
ay siya pa rin ang hinihirang na pinakamagaling sa dalawang larangang ito.
Si Jose Corazon de Jesus, o Huseng Batute, ay binawian ng buhay ng ganap na ika-12:02
ng tanghali, noong Mayo 26, 1932 sa Ospital Heneral dahil sa isang sakit sa bituka.
Bukod
sa mga nabanggit nang mga gantimpala ni Huseng Batute sa kanyang sariliing talambuhay,
ay marami pang gantimpala ang natamo niya mula noong 1916 hanggang 1929. Kabilang
dito ang sumusunod:
Unang
karangalang banggit-- Araw ni Bonifacio, 1916 (sa kanyang tulang Kabayanihan)
Pangalawang
karangalang banggit -- Araw ni Bonifacio, 1916 (sa kanyang tulang Gunamgunam
)
Unang gantinpala
-- Samahang BALINTAWAK, 1917 (sa kanyang tulang Kawanggawa )
Unang
gantimpala -- Araw ni Rizal, Sampalok, Maynila, 1917 (sa kanyang tulang Sisa
)
Una't tanging
gantimpala -- Pahayagang TALIBA, 1918, (sa kanyang tulang Itim na Bulaklak
)
Una't tanging
gantimpala -- Pahayagang TALIBA, 1919, (sa kanyang tulang Ang Buhay ng Tao
)
Una't tanging
gantimpala -- Pahayagang TALIBA, 1919, (sa kanyang tulang Ang Manok kong Bulik
)
Sagisag
na "Makata ng Bayan" -- Pahayagang TALIBA, 1919, (sa pamamagitan
ng boto ng bayang mambabasa. Hindi pa siya manunulat ng TALIBA noon.)
Sagisag
na "Makata ng Pag-ibig" -- Pahayagang ang MITHI, 1920, (sa pamamagitan
ng boto ng mambabasa)
Unang
gantimpala -- Araw ni Rizal, Malabon, Rizal, 1921 (sa kanyang tulang Ang Diwa
ni Simoun )
Unang
gantimpala -- kapulungang BALAGATAS, 1923 (sa kanyang tulang Ang Dakilang
Usapin )
Tanging
gantimpala -- Kapulungang BALAGTAS, 1924 (sa kanyang balagtasan sa paksang
Paruparong Luksa )
Sagisag
na "Hari ng Balagtasan" -- Olympic Stadium, 1926 (sa kanyang pakikipagbalagtasan
kay Florentino Collantes sa paksang "Dalagang Pilipina" at sa hatol
ng bayan).
Sagisag na " Divino Poeta" -- Philippine Lyric Academy,
1925 (katibayang kaloob ng mga guro)
Tanging
gantimpala -- Araw ni Rizal, Baliwag, Bulakan, 1925 (sa pagbigkas ng kanyang
tulang Ang Sugo ng Diyos )
Unang
gantinpala -- San Isidro Labrador, Sampalok, Maynila, 1926 (sa pagbigkas ng
kanyang tulang Ang Bato )
Unang
gantinpala -- Diwang Ginto, Araw ni Rizal, 1926 (sa biglaang pagtula ng kanyang
Ano ang Bayan kay Rizal )
Gntimpalang
"Kopa Dizon" -- San Pablo, Laguna 1927 (sa pakikipagbalagtasan kay
Florentino Collantes sa paksang "Koalision")
Gantimpalang
Medalyang Ginto -- Imus, Kabite, 1927 (sa pakikipagbalagatasan laban kay Benigno
Ramos sa paksang "Kaluwagan sa Pamahalaan")
Gantimplang
"Kopa Estrella del Norte" -- Olympic Stadium, 1928, (sa pakikipagbalagtasan
laban kay Florentino Collantes sa paksang "Espanya")
Unang
gantimpala -- Philippine Dental College, 1928 (sa kanyang tulang Ang Ina )
Sagisag na
"Hari ng Balagtasan", 1929 (sa kanyang pakikipagbalagtasan kay Florentino
Collantes sa paksang "Bakal" at sa hatol ng bayan).